Gusto mo bang mag-apply ng trabaho sa US Navy Base?
Requirements for Foreigners in Japan:
(Ang info below ay galing sa LMO WEBSITE– Office na nagmamanage ng labor force sa loob ng base)
- Proper working visa (Permanent, Long-term, spouse or child of Japanese National, or kahit na anong visa na pwede ka mag-work sa Japan full-time. Kung hindi sigurado kung pwede ang iyong visa, please check with Japan immigration or tumawag/pumunta direct sa LMO OFFICE-Sa left door yung office para sa mga gustong magtrabaho sa base. Sa right door naman para sa mga nagtatrabaho na sa base.)
- Copy of Passport and residence card.
- Envelope (with your address)
- ¥110 切手/きって/ Postage stamp (mabibili sa 7eleven malapit sa LMO office)
- English speaking ability (Depende sa aapplyan mong work, minsan kailangan both English and Japanese fluent ka, yung iba kahit English lang pwede na. Yung iba kailangan business level yung English or Japanese or both)
- Kailangan hindi member ng SOFA or dependent ng SOFA member or military.
- 18 years old or above and NOT a US citizen. (Bawal din po ang US dual citizen)
How to apply:
Kailangan personal na pumunta sa office ng LMO para mag fill-up ng application form. Doon ka rin mamimili ng mga job openings na gusto mo apply-an. EXTERNAL Applicant ang tawag dito. Kapag dala mo na lahat ng documents mo, that day mismo pwede ka na mag-pasa ng application.
Kapag nakapasok ka na sa base, pwede ka na mag-apply online (INTERNAL Applicant) pero kapag first time mo, kailangan pupunta ka parin sa office nila para mag-submit ng documents in person.
Yung result ipapadala nila sayo by mail kaya kailangan ng envelope and stamp.
Para magka-idea ka kung anong jobs ang available sa Yokosuka base, please check HERE.
Types of contract:
Permanent position/正社員/せいしゃいん (Monthly based salary with bonus twice a year, housing allowance and 20 days of paid leave)
-MLC / Master Labor Contract
(Office work, interpreter position, building manager etc)
-IHA / Indirect Hire Agreement
(NEX job position, Child development program assistant etc)
Temporary position/契約社員/けいやくしゃいん (1 year contract and hourly based salary)
-HPT / Hourly Pay Temporary (NEX store, NEX Foodcourt etc)
Pag first time mo mag apply sa base, I suggest na kahit anong position tanggapin mo muna para lang makapasok ka. Kasi matagal ang hiring process nila dahil sa background check. Then, pag nakapasok ka na, saka mag-hanap ng gusto mo talagang position. Pag sa loob ka na nagwowork, pwede ka na mag apply online. Hindi na kailangan pumunta ng personal sa LMO office.
Sa experience ko sa NEX Yokosuka in 2020, nag start ako as HPT, pinapasok nila ako agad kasi holiday season that time at kailangan nila ng tao sa main store. Pero usually 3-4 months after mo mag-apply ka pa makakapag start ng work.
Hiring Process:
- Magpasa ng application form and required documents.
- Hintayin ang tawag na tanggap ka for interview at i-set ang ischedule kung kelan ka available pumunta sa base. (Usually after ito ng “Closing date” na nakalagay sa vacancy announcement)
- After ng interview, minsan umaabot pa ng ilang linggo bago ka nila tawagan kung tanggap ka for the position o hindi.
- Pag nakatanggap ng tawag na HIRED ka, papupuntahin ka ulit sa office nila para mag-pasa ng Personal History form at Employment History form. Dito ako pinaka-nahirapan kasi kailangan mong ilista ung address mo simula pinanganak ka hanggang ngayon, schools, kumpleto pati year and month for background check bago ka nila bigyan ng ID PASS.
- Tatawag din ang LMO/HR sayo para i-schedule ang Medical Examination mo. Up to a month minsan bago lumabas ang result nito.
- Kailangan mo din pumunta sa Kanagawa Prefectural Police Headquarters para kumuha ng police clearance. (Please check sa HR or LMO kung pano ang process nito kasi nakalimutan ko na kung may binigay ba silang form at isusubmit sa HQ or nasa HQ na yung form. Bawal buksan ang envelope na ibibigay nila sayo.)
All info above is based on my experience nung nag-apply ako noong 2020 sa HPT position at noong 2022 sa current job ko ngayon na MLC position. Minsan iba-iba ang procedure ng isang command/department sa ibang command. Nung nag work ako sa NEX as cashier, I think 2-3 months lang after ko mag submit ng application, nakapag work na ako. May binigay silang special gate pass sa akin para makapasok ako sa base.
Sa work ko ngayon nag hintay ako almost 4 months kasi kailangan kumpleto lahat at kailangan ang start ko is 1st day of the month dahil ang salary namin dito ay monthly at hindi per hour.
SALARY
(Latest info HERE as of Aug 2024)
MLC/ IHA contract– Depende sa grade, type ng job at years of work ang magiging base salary mo. Meron ding additional allowances like dependent/family allowance, housing allowance, transportation allowance, Summer and Year-end bonus etc.
HPT– Depende sa work or prefecture na pagtatrabahuhan mo. Usually naka-indicate ito sa Vacancy Announcement. Walang bonus and allowances.
Please comment kung may tanong kayo and I will try to answer as much as I can.
Hi pwede ba mag apply jan sa base gamit high skilled profistional? 1B type visa?
Hi po! If may restriction po yung working visa nyo kung ano lang pwede ang work type most likely hindi po pwede pero pag pwede po magwork anywhere sa Japan no problem po. Pero mas sure po pag mag-ask directly sa Immigration or sa Office ng LMO.